Maging Tulad Ng Bituin
// December 23rd, 2010 // No Comments » // General
Ayokong humiling ng ano mang bagay ngayong Pasko. Kinalakihan ko na ang pagnanais ng mga materyal na regalo. Namulat na ako na ang mga pinakamahahalaga sa akin ay hindi ganoon kadaling makuha. Na ang tanging paraan upang ito ay matupad ay ang magsumamo sa Panginoon para sa kanyang biyaya.
Ito ang kagandahan ng Pasko, muling napupuno ang mga puso ng pag-asa. Muling nagnanais ng mas magandang pagbabago. Isa sa aking mga dalangin at sana ay maging inyo rin ay…
Biyayaan mo kami ng pagtulad sa Iyo, na magningning bilang Iyong mga bituin.
Dalangin ko ang isang makabuluhang Pasko para sa ating lahat.


1. I wish that sleeping is easy for me.

