Litratong Pinoy: Makapal
January 7th, 2010
Tags: Litratong Pinoy

Makapal na make-up. Makapal na costume. Makapal na mukha. Iyan ang mga bagay na dapat ay mayroon ka kung nais mong sumapi bilang isa sa mga kinatawan sa taunang Aliwan Fiesta.
Unang beses ko itong nasaksihan at agad kong nakita na hindi biro ang maging participant dito. Kailangan mong tiisin ang init ng araw at pagbabanta ng ulan habang patuloy na ngumingiti sa harap ng manonood.
Dahil dito, ako ay nagbibigay pugay sa lahat ng kabahagi ng event na ito. Salamat sa isang magandang pagtatanghal.
–
Ito ang aking lahok sa Linggo ng Makapal ng Litratong Pinoy. Maligayang Huwebes!
LATEST TWITS



