Litratong Pinoy: Husay

February 25th, 2010
Tags:

Ngayong araw na ito ay muling ginugunita nating mga Pilipino ang anibersaryo ng mapayapang rebolusyon na nagtampok sa atin sa buong mundo – ang Edsa People Power ng 1986.

Maraming mga personalidad ang nakilala dahil dito at isa dito ay ang namayapang pangulong Cory Aquino. Malaki ang kanyang naiambag upang muling makamit ang demokrasya, ngunit ang EDSA ay para sa lahat ng Pilipino na patuloy na nagpapakita ng husay at talino upang makamit ang mas mabuting bansa at pamahalaan.

Ito ang aking lahok sa Linggo ng Husay ng Litratong Pinoy. Maligayang Huwebes mga ka LP!

LATEST TWITS

20 Responses to “Litratong Pinoy: Husay”

  1. Iris says:

    i like the colors, Ronnie =)

  2. Sassy Mom says:

    Isang maipagmamalaking Pilipino si Tita Cory.

  3. ian says:

    *great minds think alike* hehe

    kasaysayan na ang humuhusga sa mga ambag ni Pangulong Cory; ang daang-libong humanay upang masilayan ang kanyang mga labi ay isang di maikakailang tanda ng pangkalahatang positibong pagtanggap sa kanya =]

    hindi siya perpekto subali’t naitawid nya tayo mula sa karimlan ng diktadurya patungo sa kalalagayang nangahas tayong mangarap muli… at kumilos nang sama-sama

    • Ronnie says:

      si tita cory ay isang simpleng maybahay lamang na tumugon sa tawag ng kanyang bansa. sana lahat tayo ay malaman ang ating role para sa pag-unlad ng bansa. kaya natin to!

  4. Ladynred says:

    Mabuti naman na may naiwan si Pres. Cory Aquino sa atin. Kahit wala na sya we still remember how great she was!

Leave a Reply