Litratong Pinoy: Hudyat

December 3rd, 2009
Tags:

Noon lamang isang linggo ay itinanghal ang isang Pilipino, si Efren Penaflorida Jr.; bilang Bayani ng Taon (Hero of the Year) ng CNN ngayong 2009.

Siya at ang kanyang samahang Dynamic Teen Company ay nagtutulak ng kariton buong araw ng Sabado upang turuan ang mga paslit sa lansangan ng literacy and proper hygiene.

Payak man ang kanilang kagamitan, isang malaking inspirasyon naman ito hindi lamang sa ating mga Pilipino ngunit maging sa buong mundo.

Sa kanyang talumpati ay kanyang sinabi na lahat tayo ay may natutulog na bayani sa ating puso. Kailangan lamang natin itong ilabas at maging bayani sa isang nangangailangan.

Ito nawa ang maging hudyat ng mas maraming Pilipino na maging adhikain ang tunay na paglilingkod.

Ito ang aking lahok sa Linggo ng Hudyat ng Litratong Pinoy. Maligayang Huwebes!

LATEST TWITS

10 Responses to “Litratong Pinoy: Hudyat”

  1. Ebie says:

    He deserves all the praises; he is a good example of the new generation!

    Teachers are always my hero.

    • Ronnie says:

      over-all i can say that he is a good and godly man. of course the hero is also a human kaya we will still see flaws in him but i am sure that he is doing his best to be the man after God’s own heart…

  2. Mauie says:

    Sana’y ma-realize din ito ng mga opisyal nating nagkakandarapa sa pwesto sa gobyerno. Pwede namang tumulong sa tao kahit na wala sa posisyon. Yun ay kung totoong pagtulong ang kanilang nais gawin.

    Maligayang Hwebes! Sana’y mabisita niyo rin ang aking lahok.

    • Ronnie says:

      kaya i am really hoping that this win will usher a new politics in our country. pero mukhang malayo pa ito bago mangyari… pero atleast now that efren has been given a voice, he can continually advocate for integrity and service…

  3. Marites says:

    naisulat ko na rin si Efren Penaflorida sa aking blog, dahil na rin sa hanga ko sa kanya. Marami rin tayong ibang bayani sa katauhan ng ibang mga manunuro. Nagsasakripisyo, nagtitiyaga magturo kahit kapiranggot ang suweldo at sira2 ang mga silid-aralan. Sana, dumami ang katulad na handang maglingkod sa bayan nang halos walang kapalit. Maligayang LP!

  4. eloise says:

    mabuhay ka Efren!!!!

  5. Arlene says:

    Ang galing galing ng group nya. Sana lahat mga teens sa buong pilipinas ay may ganung spirit to share their time wisely with those who are in need.

    Long live the Teachers!

  6. Ronnie says:

    sana nga no.. may the newly registered voters see that casting their votes is not the only way to help society. they, and we, can do more than that.

    may we unleash our own hero within.

  7. marami pang gaya niya sa bansa natin. kaso di sila nakikita, BZ sa kawang gawa. gaya nalang ng EB heroes sa Eat bulaga :D sana marami pang matulungan ang taong gaya ni Efren

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

Leave a Reply