Litratong Pinoy: Hiling
December 10th, 2009
Tags: Litratong Pinoy

Sa dami ng mga Pilipinong nangingibang bansa para maibsan ang kahirapan ng kani-kanilang pamilya, marahil ay masasabi nating bawat isang pamilyang Pilipino ay may isang kamag-anak na malayo ngayong Pasko. Higit marahil sa isang masaganang pagdiriwang, ang bawat isa sa kanila ay nagnanais na sana ay kumpleto ang kanilang pamilya sa araw na iyon.
Kaya’t lubos kong ipinagpapasalamat na ang kahilingang ito ay magiging totoo para sa aming pamilya. Matapos ang dalawang Pasko na nagdaan ay muling mabubuo ang aming pamilya.
—
Ito ang aking lahok sa Linggo ng Hiling ng Litratong Pinoy. Maligayang Huwebes!
LATEST TWITS




congrats sa inyong pamilya at masaya ang inyong Pasko at Bagong Taon dahil sama-sama.
marami pong salamat. minsan hindi natin napapahalagan ang ating pamilya kundi pa tayong magkahiwa-hiwalay. nawa’y maging masaya din ang inyong pasko.
Ako man ay nagpapasalamat na hindi na kinailangang mangibang bansa ng kahit sino sa amin. Hindi man ganoon kasagana ang buhay, masaya akong lagi kaming kumpleto tuwing pasko.
masaya ako para sa inyo at lagi kayong kumpleto. manatili nawa kayong magkakasama at dumarami. :D
hangad ko ang kaligayahan ng pamilya mo ka-LP, nice post
marami pong salamat. naging masaya nawa ang inyong weekend.
Maligayang Pasko Ronnie! iba pa rin ang Paskong Pinoy!
wish ko rin yan para sayo Ronnie =)
have a great weekend!
ay ang cute :”> wish ko ang mag ka roon ng ganayang cute na belen
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
that’s nice ronnie! am happy for you! :)
Am happy for you my friend! Merry Christmas to you and your whole family!
yehey!!! Kumpleto kayo ngayong pasko!!! Merry christmas!!!