Litratong Pinoy: Balak

January 28th, 2010

Isa sa mga puntod sa The Lost Cemetery ng lungsod ng Baguio ay may mga katagang “Why Dident I?” Isang nilalang na nabuhay ng may pagtatanong at namatay ng walang kabuluhan.

Ang pag-aalinlangan ay isa sa mga ugaling lumilimita sa ating pagkatao. Hindi masama ang maging maingat ngunit kailangan din naman nating makipagsapalaran. Hanapin ang tamang timpla at ating pagsumikapang maatim ang ating mga balak.

Ito ang aking lahok sa Linggo ng Balak ng Litratong Pinoy. Maligayang Huwebes!

2 Responses to “Litratong Pinoy: Balak”

  1. Arlene says:

    sounds like a sad life if ever that is true. at bakit naman DIDENT ang spelling dyan? does that mean DIDN’T?

    kaya nga ang “plano” ay isang esensyal na bagay sa buhay ng tao para hindi maging ligaw sa mga daan ng buhay.

    maligayang LP!

  2. Dinah says:

    tumpak! wag lang ding balak ng balak, dapat ay may aksyon din :-)

    sana ay magawa ko din ang aking balak

Leave a Reply