Litratong Pinoy: Akin

February 5th, 2010

Malimit nating nasasa-isang-tabi ang mga bagay na nakabubuti sa ating katawan gaya ng: pagkain ng gulay, pagtulog ng sapat, at page-ehersisyo. Minsan ay maiisipan nating gawin ang mga ito sa panahong nagsisimula na tayong makaramdam ng samu’t saring problema sa katawan. Ngunit ako ay naniniwala na huli man ay makakahabol pa rin.

Kaya napagpasiyahan kong sumali sa isang marathon sa darating na Linggo kasama ang ilang kaibigan. Ito ay isang takbo para sa kapakinabangan ng mga dolphins at ako ay tatakbo suot ang aking bilang – 10206.
–-

Ito ang aking lahok sa Linggo ng Akin ng Litratong Pinoy. Maligayang weekend!

Leave a Reply