Litratong Pinoy: Pasasalamat
// December 31st, 2009 // No Comments » // General

Katatapos lamang ng Pasko at bukas naman ay bagong taon na. Sa dami marahil ng mga pagtitipon na inyong nadaluhan, hindi malayong nadagdagan ang inyong timbang. Maari ninyo itong tignan bilang problema o tignan bilang pagpapala. Ipagpasalamat na mayroon kayong pagkakataon upang kainin ang nais ninyong kainin. Ipagpasalamat ang pagkakataong itama ang mga pagkakamali. Ipagpasalamat na may pagkakataon upang simulan ang pagpapabuti sa sarili.
Kung wala kang maisip na bagay na ipagpapasalamat, marahil ay mali ang inyong tinitignan.
–
Ito ang aking lahok sa Linggo ng Pasasalamat ng Litratong Pinoy. Maligayang Huwebes!






